Monday, March 5, 2012

Sige Pre, Ingat!

Mag SG ang barkada ko. Nainggit naman dahil isa ang Singapore sa gustong puntahan, di lang para maglakwatsa kundi magtrabaho. Last friday, nagsamasama ang tropa sa bahay, uminom, namulutan, nagtawanan, nagkwentuhan, may umiyak, may natawa, walang sumuka, lahat tamang amats lang. Bilang pamamaalam ng isang kaibigan bago lumipad. Papahuli ba ako sa paalamanan?


Salamat sa YM! Kasama nila ako, video calling na humigit kumulang ng 1 at kalahating oras. Parang nandun na rin ako, parang kasama na rin sila sa kwentuhan at tawanan. Para sa iyo kaibigang Arvin, bon voyage at gudluck sa pakikipagsapalaran mo sa Singapore! Hayaan mo balang araw magkikita ulit tyo dun. Mamimiss ka din ng barkada kaya ng pagkamiss nyo sa akin. Gudluck at magpayaman ka pa!
















Eraserheads- Pare Ko

4 Comments:

  1. ooh... bonding kung bonding....
    nakakamiss yung ganito no...
    di bale sabi mo nga im sure magkikita rin kau sa sg, ang liit lang kaya ng mundo!

    ReplyDelete
  2. Ang saya!! buti n lng tlga, merong YM. Pwedeng makipagusap kahit malayo.. The magic of internet. Bon voyage sa iyong kaibigan.. Good luck! :)

    ReplyDelete
  3. buti nalang talaga haytek na tayo ngayon.

    ReplyDelete
  4. communication really plays a vital part in our lives today.....

    bon voyage sa iyong friend! :)

    ReplyDelete