Season 4, tapos! sa maraming dahilan, the best din ang season na ito, maloyo sa expectations. Naadik na ko sa series na to since day 1, pero ang season 4 na to ang daming surpises at nakakagulat na eksena sa istorya, mas dark ang plot.
1. Nag-standout dito ang character ni Marnie. Isang napakagaling na villain, and pinaka the best na gumanap na villain sa apat na season.
2. Interesting yung fairy world ni Sookie, sa pilot episode.
3. Ayus ang pagganap ngayon dito ni Sookie, hanga ako sa iyak eksena nya, nakakaawa.
4. Ang namumuong bromance ni Lafayeete at Jesus.
5. Ang love story plot na dagdag sanga sa series, Jason at yung were-panther.
6. Ang nakakaaliw na na si Pam at Eric, dahil nauumay na ko sa character ni Bill bilang King of Louisiana.
7. Ang watchable na istorya ni Sam, especially yung relationship nya sa kanyang kapatid na si Tammy.
8. Boring ang plot ng character nitong si Andy, basta boring, naadik lang sya sa "V"
9. Ang mala-devil na anak ni Arlene.
10. Jessica, ang ultimate vampire crush ko, ang isa sa dahilan bakit ko sinubaybayan ang season 4. A fascinating character and a brilliant actress.
Ang pinakaplot ng season na to ay tungkol sa Necromancer na si Marnie na gustong mawala sa mundo ang mga vampire. Ginamit nya ang kaluluwa ng isang di matahimik na kaluluwa ng sinaunang witch, para mabura ang lahat ng vampire. Over-all, one of the best season yet!
Jace Everett - Bad Things




gusto ko sana panoorin, pero dami pa akong naka-pending na dapat panoorin
ReplyDeletedi ko to napanood. ung vampire diaries nga di ko pa rin natatapos :)
ReplyDeletenakakamiss tong true blood! kay marnie talaga ko natakot ng sobra sobra sa lahat ng kalaban sa true blood. pati pala kay mary anne. haha
ReplyDelete