Sunday, February 5, 2012

Temple Run

I'm a tree hugger! Lagi na lang!




Stress! marami ako nyan, gusto nyo? marami akong kakilala na nahilig sa pc games, psp, xbox, wii, play station, makapaglaro ng games, pampaalis ng stress. At sang-ayun ako dyan. Dahil wala naman akong ganuong gadget, ipod lang o iphone na naiwan ko sa pinas, downloaded games mula sa iTunes ang libangan ko, pampaalis ng stress at minsan pampaantok pag di nadalaw ni Mr. Antok sa gabi.


Kung Farmville, Farmtown, Pet Society, Cafe World, MAfia Wars, Pirate Wars, Vampire Wars at kung ano pang wars mula sa Zinga ang kinababaliwan noong 2009, Plants vs Zombies naman ang nauusong kinabaliwan noong 2010, Angry Birds naman noong 2011. At ngayong 2012, ito ngang iTune app na Temple Run ang sumisikat. Halos lahat ng kakilala ko, mapakaibigan man o artista, ito ang kinaaadikan.


Stressful man itong laro na to, dahil mapapamura ka pag na-out ka. Pero nakakatulong daw ito para malimutan ang ilang problema o pagod sa trabaho, mga ilang minuto. Ang Temple Run ay isang running game na ite-test ang galing mo. Left turn, right turn, jump, slide. Mabilis ang takbo kaya alerto ka dapat sa paparating na biglang pagsubok gaya ng cliff, tress, arch etc. Takbo ka ng takbo, wag ka alng mahuli ng di ko maintindihan kung mga unggoy o malalaking ibong itim. Here are the screenshots I got from the app store:





7 Comments:

  1. nabobobo ako sa larong to! lol

    ReplyDelete
  2. Hindi siya friendky sa mga walang apple gadget like me.

    ReplyDelete
  3. naq, wasak na wagas ang buhay mo sa larong toh, hahahaha

    ReplyDelete
  4. nauuso to kaso since wala ako na iphone, kenat be na makapaglaro at maadik sa game na to. :(

    ReplyDelete
  5. Aww.. dami ngang naaadik dito. pero hindi ako makarelate kasi poor lang mey, wala akong iPhone. Haha.

    ReplyDelete
  6. mukang laos na to bago ko pa malaro ..hahaha

    ReplyDelete