Thursday, February 9, 2012

Takas


Minsan...
Gusto kong tumakas.
Layasan ang mapait na mundo.
Layasan ang kurap na sistema.
Layasan ang araw-araw na buhay.
Layasan ang consistent na rat race na buhay ko.
Layasan ang mga dahilan at ang epekto.
Layasan ang to-do-lists, deadlines, office routines.
Layasan ang maupo, maglakad, sumakay ng company bus.
Layasan ang paghihintay ng dose oras.
Gusto kong makapagpahinga matapos ang pagod sa trabaho.
Simulan muling bilangin ang panibagong dose oras kinabukasan.
Gusto kong kumawala, gustong gusto ko.
Gusto kong puntahan ang lugar kung saan mag-isa ako at palayain ang isip.
Gusto kong sumigaw ng malakas!
AARRHHGGGGGGGGHHHH!!!!!
Gusto kong sumigaw ng napakalakas hanggang marinig ako sa langit.
Gusto kong maglaro ng bato sa dagat, antaying marating ang pinakamalayong mararating.
Gusto kong ipikit ang mga mata ko, pakinggan ang musica ng alon.
Gusto kong magbasa ng magagandang love stories, na magpapaluha sa akin na hindi ko inaasahan.
Gusto ko maramdaman ang snow, at i-freeze ang oras nang mag-isa.
Gusto kong isuot ang paborito kong jacket, labanan ang tinding lamig.
Gusto kong tumawa ng masarap kasama si God.
Gusto kong humiga sa damuhan at pakinggan ang ihip ng hangin.
Gusto kong makadinig ng malambing na boses
Gusto kong awitan ako ng isang lullaby.
Gusto kong titigan ang langit na walang iniintinding oras.
Gusto kong ma-lost in time!!!!!
Gusto ko umakyat sa Burj Tower ng Dubai at makita ang buhay ng Siyudad.
Gusto kong makatabi si Babba sa kama at pagusapan ang pangarap sa buhay.
Gusto kong malayasan ang init ng tag-init sa Abu Dhabi, at maramdaman ang malamig na patak ng ulan.
Gusto kong alugin ang mga puno matapos ang malakas na ulan.
Gusto ko lang lumisan at bumalik sa Pilipinas!!!

15 Comments:

  1. Natuwa ako sa picture, akala ko ito ay isang humor post. Senti mode ka pla pre. Ramdam kita, minsan gusto ko din emeskapo sa mundong toh. Ngunit pwede mo naman gaiwn ang mga bagay ng gusto mo ng hindi ka tumatakas sa responsibilidad. Mahirap tumakas, kasi hahabulin ka niya hanggang sa mahuli ka. Gayunpaman hiling ko para sayo, sana maka-uwi ka na sa pinas.


    -Jhengpot

    ReplyDelete
  2. nahohomesick na c moks...

    naiintindihan kita.

    ReplyDelete
  3. homesick na.
    gusto ko rin gwin yun mga bgay n yun... [haist]

    ReplyDelete
  4. konting tiis na lang sir moks.... babalik ka rin.... babalik ka na ng pinas. hang on! :D

    ReplyDelete
  5. ilang sweldo na lang makakauwi ka na, kaya magbilang kung ilang araw na lang bago dumating ang sweldo...

    ReplyDelete
  6. mabilis lang ang panahon, makakauwi ka rin... :)

    ReplyDelete
  7. ang cute ng picture..

    Gusto ko din layasan ang mundo, ang daming dumating na mabibigat na pangyayari sa akin na hnd ko alam kong kailan matatapos, imbes na ma solve lalong nadadagdagan.. sana may mag magic sa akin at dalhin niya ako sa outer space para makapag-isip at makalimutan pangsamantala ang problema.. SANA mawala na lang ako.. :( -mommyRaz

    ReplyDelete
  8. dont worry mabilis lang ang oras. bukas makalawa nasa pilipinas ka na ulit. tiis lang. isipin mo na lang ang rason bakit ka nandyan ngayon =D

    ReplyDelete
  9. Yun lang. Homesickness. 7 months na lang, sabi mo nga sa comment na nabasa ko sa last post mo. Kaya mo yan!

    ReplyDelete
  10. uwing -uwi ka na sa post na ito. Kaya mo yan Moks. Maliban na lang kung may pasaway ang mga amo- amohan mo diyan kaya gusto mo ng layasan kasi pag ganon mahirap talaga yan.
    Akyat ka na lang ng Burj Khalifa.

    ReplyDelete
  11. Gusto kong tumawa ng masarap kasama si God. - ako din!

    gusto ko na din tumakas at umuwi sa pinas...gusto kong takasan lahat ng obligasyon...naiiyak ako sa post mo na ito..totoo...

    naaawa ako sa sarili ko...nakakabaliw na...

    kaya nawawalan na ako ng ganang mag-sulat dahil madalas nakatulala nalang ako...

    uwi na tayo...

    ReplyDelete
  12. Gusto mo ? sige lang basta makakaluwag sa kalooban mo at wala kang natatapakan na tao. nice look bro!

    ReplyDelete
  13. maaring makatakas ka sa dubai at bumalik dito sa manila.. pero pag dating mo dito, di ka makakatakas sa mga gustong mag palibre, kasama na ako don! LOL - tag ulan pala ang dating mo, ano kaya or saan magandang mag photowalk pag tag ulan. How apt! tag ulan ang dating mo dito, takas sa mainit na disyerto

    ReplyDelete
  14. ang naisulat mo bro ay ang mga nakatagong lungkot ng ilang milyong pinoy sa ibang bansa, sa likod ng mga nag gagandahang gusali at nagtataasang mga sahod.. mahusay :)

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete