Wednesday, February 1, 2012

Mindset



Mahirap! Sobrang hirap! Ngayon alam na ang pakiramdam ng isang OFW. Alam na bakit sila tinawag na bagong bayani. Saludo ako sa inyo kapwa OFW. Saludo ako sa mga tito at tita ko noong nagtatrabaho sila sa ibang bansa.


5 buwan na akong wala sa Pinas, 5 buwan ng paulit ulit ang routine ko dito. 5 buwan ng Ym o FB lang ang daan para magkausap kami ng pamilya at ilang kaibigan ko. Pero sa loob ng isang buwan, nasanay na ang utak ko, mindset! Na akala mo nasa Pinas ka lang, yung hindi mo naiisip na wala ka sa ibang bansa. Magugulat ka na lang na "oo nga pala nasa Abu Dhabi ako," sa loob ba naman ng 5 buwan, masasanay ka na, ang mindset mo. Araw araw pare-parehong mukha ang nakakausap mo, sa trabaho at sa camp. Ang paligid at kultura.


Bakit nga ba tayo nandito sa ibang bansa? para magtrabaho? isa ang dahilan ko dyan, wala ng iba... PERA! Bakit pera? kasi mahirap kumita o kitain ang kinikiti mo sa ibang bansa, na hindi mo makikita sa ating bansa. Di ko sinasabing lahat, may mga tao lang talagang swerte o matiyaga kahit nasa Pinas lang. Lumaking mayaman ang magulang, maganda ang pinag-aralan, pinagpala sa dream job na nakuha nya.  Ilang Pinoy na ba ang nagtatrabaho sa ibang bansa para lang umasenso o makapag-ipon ng malaking pera sa loob ng ilang taon lamang?


Mindset. Bilang isang manggagawang OFW, sasabihin kong ang mindset ko, OFW na, 80%. Mindset, ibig sabihin, ito na ang gusto mo at kailangang tanggapin na andito ka na, tiisin ang mawalay sa pamilya o ang napakalungkot na homesick.


Mindset, kung ikaw tapos na ang kontrata mo, halimbawa, sa Korea, 2 years ka dyan nagtrabaho, umuwi ka na ng Pinas, nakapagipon ka na pero gusto mo pang madagdagan. Anu ang gagawin mo? maghahanap ka pa ba ng trabaho sa Ortigas, Makati o san man sa Pinas? ang mindset ng isang OFW, hindi ko sinasabing lahat, babalik yan o maghahanap ng iba pang oppurtunity abroad, sa Singapore, UAE, KSA, Qatar, Africa, America, Europa, kahit sa Iraq, basta maganda ang kikitain. Bakit? pera, manghihinayang ka sa laki ng kikitain mo, kikitain mo na hindi mo makukuha sa loob ng ilang buwang trabaho sa Pinas.


Mindset. Ang nakapagtrabaho na ng ibang bansa, pipiliin o titiisin muli mangibang bansa, bakit? Kung pareho lang naman ang trabaho, dami ng gagawin, posisyon, trato ng amo, pero magkaiba, malaking pagkakaiba ng kikitain, mangibang bansa ka na.


Mindset. Ang ilan, gustong dalin ang pamilya sa bansang pinagtatrabahuhan nila. Magkasama na sila, kumikita at nakakapagipon pa ng malaki. Sa personal kong desisyun, gusto ko sana ganun, pero hindi dito, bakit? di ko gusto ang dito. Iba ang kultura, malayo sa ibang bansa. Ayus sana kung karatig bansa lang tulad ng Taiwan, Singapore, Thailand.


Ako. After ng contract ko dito, di ko masasabing babalik pa ako o maghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Ayus na ako sa ipon ko. Kaunti man pero sapat na yun para sa aming mag-asawa.


Saka...Pwede magmura? pero bull***t bakit kasi pera? lahat na lang ng bagay pera? sino ba ang nag-imbento ng pera?

7 Comments:

  1. i still don't know kung saan ako pu2nta after my grad,

    ReplyDelete
  2. tama!!!!

    Kasalanan ng pera yan!

    At dahil sa pera kaya pinaparinggan ako ng pamilya ko na bakit di daw ako magtrabaho abroad. demn.

    ReplyDelete
  3. ako ofw din ang bagsak ko siguro pagkagrad ko. haaay

    ReplyDelete
  4. ano ba yan, sweldo na naman, di ko pa nga ubos yung nakaraang sweldo ko ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow bigay mo sa amin tulungan kita umubos!! :P

      Delete
  5. haaay gusto ko sanang mag mura din kaso nahihiya ako punyeta! :P

    gustong-gusto ko sanang di na bumalik pero wala akong choice....

    ReplyDelete