Thursday, February 23, 2012

Naluha sa Sariling Wika



May isang kaibigan na nag-forward neto sa akin sa email ko. Habang nagbabasa, OA pero medyo naluha ako sa mga meaning ng wikang tagalog kaya heto ise-share lang. Nararapat lamang na maglaan tayo ng ilang saglit, isang saglit lang dude, upang muling sariwain ang mga salitang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno!


BAKA MALIMUTAN NATIN ANG ATING SARILING WIKA.
Abuloy - bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala - alam na alam daw.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sanakung pera na lang.
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit - tanong na laging mahirap masagot.
Bakya - tsinelas na may takong.
Baga - lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong - masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado - hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
Bale - suweldong inutang.
Binata - lalaking gustong maging ama
Kaaway - ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag - dighay at utot na naghalo sa tiyan.
Kabayo - hayop na sinasakyan Ng kalesa.
Kalbo - gupit ng buhok na korteng itlog.
Dilim - liwanag na maitim.
Gipit - kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Ha - sagot ng nagbibingi-bingihan.
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan - magdamagan na Palakihan ng tiyan.
Handog - bigay na laging may kapalit.
Hipo - haplos na may malisya.
Hudas - tapat na manloloko.
Ibon - hayop na lumalangoy sa Hangin.
Imposible - pagtaas ng unano.
Insulto - walang hiyang biro.
Isda - hayop na hindi Nalulunod.
La - ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw - kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma - tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog - hitsura ng tumatabang balat.
Mama - tawag sa sosyal na ina.
Mano - kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.... at bulsa.
Mantika - katas ng piniritong taba.
Mayabang - abusadong tanga.
Maybahay - dominanteng utusan sa bahay.
Nanay - Ilaw ng tahanan
Nakaw - hiram ng walang paalam
Naku - ikli ng 'nanay ko, nanay na ako.'
Nitso - bahay ng mga patay.
Nobya - gelpren na laking probinsya.
Ngiti - tawang labas ipen.
Paa - bahagi ng katawan na amoy tuta.
Panata - dasal na nakatataba ng tuhod.
Sabon - mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sampal - haplos na nakatitigas ng mukha.
Tamad - taong hindi napapagod sa pahinga.
Tatay - haligi ng tahanan




07. Man From Manila

11 Comments:

  1. Yun ba talaga meaning ng kababata? hehehe. Dami kong tawa lalo na sa tamad, sampal binataat halakhak.

    ReplyDelete
  2. haha auz mga term ah. yun back ground 90's na 90's ah. men from manila....
    naalala ko tuloy yun mga pagbubutas ng hikaw sa tenga ng mga lalaki....

    ReplyDelete
  3. Tamad - taong hindi napapagod sa pahinga
    wahahahahahahahha

    ReplyDelete
  4. kasama pala sa mano ang nakakapudpod ng bulsa... hehehe

    "mano na at mabigyan ng piso"

    :D

    ReplyDelete
  5. nice entry moks! ngayon lang ulit ako naka visit sobra busy hihi :)

    ReplyDelete
  6. grabe tawa ko dito. loko loko ka talaga kuya. =D

    ReplyDelete
  7. bet ko yung kaaway, ahahahhaa

    :))

    ReplyDelete
  8. Lalawigan...hahha. sorry, twas a bit mean, but i lol'd. :)

    ReplyDelete