Mula sa Puso... at Sikmura!
ni Sherwin A. Calalang (02.09.12 Abu Dhabi, UAE)
Sa lalim ng mga salita, di ko alam sa'n magsisimula,
Anumang makita ng mata, tuloy lang sa pagbasa.
Minsan lang talaga ako ay walang magawa,
Pagpasensyahan nyo na't, minsa'y isip bata.
Sa aking pagsusulat, minsan wag kayong magugulat,
Tuloy nyo lang ang pagbuklat, sa mala-blog kong aklat.
Kahit minsan ako dito ay nagkakalat,
Wala akong pakialam, ganito talaga ako magsulat.
Sa isipan ko minsan dadapo kang saglit,
Masasabi kong para kang langaw na kay kulit-kulit.
Hirap kang maalis sa aking isip,
Ang tingin ko nga sayo'y mighty bond na pangdikit.
Ikaw ang nasa isip ko araw man o gabi,
Di mo ko pinapatulog sumapit man ang hating-gabi,
Ang katangian mo, wala akong masabi,
Miss na miss ka na dampian ng aking labi.
Ang tibok ng puso ko lalong bumibilis!
Dahil sa mga pag-akit mong... meyn, walang kaminstis-mintis!
Kung pwede lang sana ako'y biglang magbihis,
Dederecho ako sa'yo, na walang anumang lihis.
Alam ko na darating din ang takdang panahon,
Na ako'y lilipad na parang tuyong dahon.
Harangin man ng ilang matinding alon,
Gaago man kataas yan, kakayanin kong tumalon.
Miss ko ang kumain nakatuhog na Isaw,
Sukang may sibuyas, dyan kita isasawsaw.
Sa mausok na kainan, order tayo ng inihaw,
Isda, baboy, manok, any part, any how.
Squid ball, fishball lahat na nang balls,
Magrambol man sa sikmura, magulo pa sa Bulb*l.
Tokneneng, Penoy, o Balot sa puti,
Uubusin lahat, pati na ang malaking kiti.
Binatog, puto, kutchinta't taho,
Sorbetes, scramble, da best na halohalo.
Dinuguan, menudo, afritada't mechado,
Walang tatalo sa manok o baboy na adobo.
Jeep, tricycle, pedicab, mrt.
Lahat ay gusto kong sakyan muli.
Siksikan, sikuhan, makalanghap sa mabahong katabi,
Gusto ko yan ulitin, walang ka-arti-arti! (Mai-rhyme lang!)
Kahit matagal pa ang aking pagbabalik,
Ngayon pa lang ako na ay nasasabik.
Di ko mapigilan, dahil super excited,
Dahil alam kong sa iyo ako'y walang busted.
Kaya sa saglit kong pagkawala,
Umasa ka't tayo'y muling makikita.
Pangako kong di na muling iiwan pa,
Dahil Pilipinas, Miss na miss na kita!
Di ako naho-homesick, gusto lang tumula,
Wala kasi si bossing, kaya wala akong magawa.
Kung inyo ay "Ayus" ang aking ginawa,
Ganyan talaga ang Bulakenyong Bata!
Ako'y tumula ng pagkahaba-haba,
Bumalik na ang Boss ko, kaya tapos na po!


pasasaan ba't uuwi ka rin ng pinas :)
ReplyDeleteganda nman ng last part
ReplyDelete.
.
"Di ako naho-homesick, gusto lang tumula,
Wala kasi si bossing, kaya wala akong magawa.
Kung inyo ay "Ayus" ang aking ginawa,
Ganyan talaga ang Bulakenyong Bata!"
.
tama yan pare!
di ko matandaan or did i just missed some past post, may nagawa ka na bang post na ang issue eh "Bakit ba ako umalis?" or "Bakit ba ako nag abroad?"
ReplyDeleteMagaling.
ReplyDeleteMakakauwe ka rin, just be patient :)
ReplyDelete