Bago ang banner ko, bago na rin ang title ng bahay ko, dinagdagan lang. Nauumay lang sa simpleng Mokong. Dahil bago, bagong panimula. Sa totoo di naman talaga ako writer eh, di naman ako magaling magsulat, la rin akong planong maging sikat na manunulat katulad ni Bob Ong, Edgar Allan Poe, John Grisham or ung nagsulat ng Da Vinci Code?! Sino nga yun ulit?! Tama! sya nga un... si Dan Brown! napa-google ko pa nyan tuloy. Gusto ko lang talaga i-challenge ung sarili ko sa pagsulat sa mga nangyayari sa mga buhay-buhay natin dyan, naalala ko lang yung sinabi sa isang article, di matandaan kung sino at anung link, basta ito sinabi nya, "its better to ink it than to think it"
Noon meron akong journal, dun ko sinusulat lahat ng magagandang bagay na nangyari sa buhay ko, minsan parang painting na yung nagagawa ko dahil sa aking handwriting, pagpilit namang gandahan o gawing engineering lettering, ilang words palang sakit na sa kamay, kaya dito na lang. At feeling ko kahit anumang inumin natin, marami mang milo, sustagen o energen, tatanda din talaga tayo at malilimutan ung mga "moments" na nangyayari sa buhay natin sa ngayon, ang drama mehn, deym!
Matapos ang napakahabang intro, oo intro pa lang yang nababasa nyo. Parang kakasimula ko pa lang magblog sa pinagsasabi ko. Anyway, couple of reminders lang sa bago at pina-improve na blog ni Moks, "Tayo Nang Magbasa sa Bahay ni Mokong":
Maging Natural!
Halos karamihan sa sinusulat ni Moks at part ng buhay nya, kung anu-ano lang, whatever it is that he will be writing is to enjoy! Nakanang inglez! Dude, pede wag masyadong maging critical?! mas enjoy pag natural, istorya ko naman to, at saka ni re-review ko rin paminsan-minsan ang bawat article na sinasalitype ko before i post it. If there are cases when you see some words na wrong
Tinamaan Ka? Masakit Ba?!
If and only if tinatamaan ka na bagbasa sa mga sulat ni Moks, okay yan! ibig sabihin dehins ka insensitive. Nasasayo na yan at ginagalang ko, i-confront mo si moks regarding sa issue in your life or have it pass by, nasasayo yan! buhay mo naman yan eh, malaki ka na. Kung hindi mo naman kayang i-handle, for men, attend ka na lang sa ilang outreach program dyan sa lugar nyo. For girls naman, i have good friends dito sa blogosphere na pwede kang tulungan regarding with that issue.. right girls?! asan na kyo? miss na kayo ng bahay ko! Pero, if you can relate in what i'm writing naman, uhmmmm wala lang! ayus yan! ibig sabihin nakaka-relayt ka, di ka "others!" Hahaha..
and FINALLY
Maging Tulay, Hindi Pader
At heto ang da best! ahem ahem kung ikaw ay isa mga taong gustong maging kaibigan ni Moks, sa mundo man ng net o sa personla, yung maituturing kong kaibigan, barkada, kakulitan, katropa, kainuman... uhmm, hi! musta na kayo?! asan na nga ba kayo?! hehe.. ayus talaga sa akin ang pagboblog, one way rin to build relationship, one way to get to know each other. Syempre while you're reading, bukod sa angst factor, kilig factor, tawa factor, inlove factor, somehow may idea ka sa personality ko, anyway, lets not focus too much on that... more importantly, this is a good way to to build relationship with other people. Aprub?... Amen!

.jpg)
amen! uwi na at ng magkita tayo ;D
ReplyDeletemalapit na pre..7 months na lang!
DeleteHello Moks! nagbabasa -mommyRaz
ReplyDeletehello mamehhhh!!!! miss you!
DeleteWow, congrats on your new banner! Gustong gusto ko ung part na "Maging Tulay Hindi Pader..." In essence, that's what bloggers should think about.
ReplyDeleteCheers!
Thanks @Leo :) Cheers!
DeleteAmen. hehe.. Ganda ng third line.. Maging tulay, hindi pader. Tama.. Blogging is one way of creating friendsips and even bridging distances. :D
ReplyDeleteCongrats sa new banner, ser Moks. :)
Salamat din sayo @Leah
Deletepak na pak! kaya nakabookmark na to sa browser ko, saludo ako sayo sir.
ReplyDeletegaling ng payo nio, write without any inhibitions. :D
Hey... welcome sa bahay ko...salamat sa pagtambay!
Deletepeyborit ko din yung maging tulay at hindi pader..
ReplyDeleteAstig.
pero mas peyborit ko yung si jesus lang ang kailangan malaman ng buong mundo :)
amen ..
oo nga gusto ko rin yung maging tulay di pader. hihi nahiya naman ako ako kasi sulat lang ng sulat. di ko na binabasa ulit mga post ko. no edit halos except sa mga wrong spelling na napansin ko pero diretsong sulat lang talaga ako lagi. hahaha at tama ka na its better to ink it than to think it. yun ang reason kung bakit ako nagbablog =D
ReplyDeleteMakiki-amen na lang ako. Cheers para sa bagong bahay ni EngrMoks.
ReplyDeletekudos sa iyong bagong bahay! at uwi na at para magEB na, haha
ReplyDelete:))