SaSa Charot Moments caught on Video and Updates
1. Wag mong bibigyan ng totoong lobo si Sasa para putukin, mapapahiya ka lang, iisnabin nya lang. Mas gusto niya yung plastic na pinalobo, makadinig lang yan ng nakakangilong tunog ng plastic, lalapit na yan sayo na parang atat na atat putukin. Isang talon lang nya sa lobo tapos.
2. Mama's girl na si Sasa. Hindi na daw humihiwalay kay Babba, natakot kasi noong mga nakaraang araw, ilang beses umalis si Babba, matagal nakabalik, iniwan si Sasa sa pinsan ko para bantayan. Inisip siguro nya na pinamigay na sya. Ngayon laging bantay sarado si Babba kay Sasa, makita lang lumabas ng pinto, kahit antok na antok, babangon yan at susundan siya.
3. Wala pa ding sawa sa manok. Tuwing umaalis si Babba, para maggrocery o may pinuntahan, ugali ni Babba, pasalubungan si Sasa ng manok. Kaya naman sa tuwing nakikita ni Sasa ni Babba na paparating, tuwang tuwa yan, hindi mo alam kong nasabik na makita ka o sa manok na naamoy nya gate pa lang.
4. Daily routine. Umaga gang gabi alam na nya gagawin nya. Paggising ni Babba, sasabay na din sya. Pag bibili sa tindahan, alam na din nya kasi kaway ng kaway buntot nya pag hawak na ni Babba yung tali nya. Sa lunch naman, nakapwesto na yan sa teritoryo nya para antayin ang supply ng lunch nya. Tapos sabay sila papasok ng kwarto, tatambay o matutulog. Sa gabi ganun din. Magkasama na sila laging natutulog sa ilalim ng computer table, binabantayan at sinasabayan si Babba habang kachat ako sa YM.
5. Simula ng magkaroon ako ng pamangkin, ang atensyon ng nanay ko at mga kapatid ko nasa baby na. Nababaliwala at nababawasan gn atensyon si Sasa. Kaya todo bonding nila ni Babba, at yan ang dahilan bakit naging mama's girl ang dalaginding namin.

gusto ko ng dog
ReplyDeletehong kyut!!! ahahahahaha :))
ReplyDeletemay ganyang dog din kami. papakita ko rin sya soon sa blog. at halos the same din ang ugali ng aso na yan sa aso namin. color white yong samin, pinapakain namin ng honey para gaganda lalo ang hair try niyo rin para mas maganda ang tubo ng hair.
ReplyDeleteAng lambing naman ni Sassa!!!
ReplyDelete