Friday, January 13, 2012

Loloy, Jackie & No Name (Selfless Rescuer Dogs)


Sa bawat sakuna o kalamidad, may tinatawag tayo o binabansagang “Heroes”. Mga bayani na inuuna ang kapakanan o kaligtasan ng iba bago ang sarili, ika nga “Selfless heroes”. Pero sa ngayon, kahit saan man sa mundo, nakakarinig tayo, nakakbasa ng news, nababalitaan, tungkol sa kakaiba o extraordinaryong aso na binansagan nating, “Man’s best friend.”


Marami na kong naikwento at naifeature ang iba’t-ibang katangian o kwento tungkol sa mga aso.


Loloy at Jackie
Kalagitnaan ng gabi nagsimulang manalanta ang bagyong Sendong sa Pilipinas, kung kailan mahimbing na natutulog ang buong pamilya ni Marrietta Ardiente. Bago pa man dumating ang malakas na agos ng baha sa kanilang lugar, ang alaga nilang mga Aspin na sila Loloy and Jackie ay daliang ginising ang kanilang mga amo, ikinaskas ang mga paa sa pintuan at nagtahulan ng malakas. At dahil sa ginawa ng dalawang Aspins, naisalba ang pamilya ni Marrietta. Nawalan man sila ng tirahan, buo naman ang kanilang pamilya. Ang laking pasasalamat ng pamilya sa kanilang mga aso na kahit sa evacuation center ay hindi nila kayang malayo sa mga ito, ang kanilang life savers.


No Name
Sa Cagayan de Oro naman, ang pamilya ng isang pitong taong gulang na bata na si Jennylou Yecyec at umakyat sa bubungan ng kanilang bahay dahil sa taas ng baha. Pero dahil sa lakas ng agos ng baha, winasak nito ang kanilang bahay, biglaang gumuho dahil sa mahinang klaseng materyales ang ginamit, Sa kasagsagan ng baha at pagwasak ng kanilang bahay, nahiwalay si Jennylou at ang kanilang buntis na aso, Hindi iniwan ng aso si Jennylou, sabay nilang nilabanan ang agos, pinasakay ng aso ang kanyang amo, mala-piggy-back, nagpaanod sa baha hanggang sa makarating sila sa dagat. Nakakapit ang bata sa likod ng aso habang lumangoy para sa kanilang dalawa. Ang pagod na pagod na aso, lumangoy sa nakitang nakalutang na malaking torso para kapitan ng amo nya, yung time na safe na nakakapit si Jennylou sa torso, saka naman nawala ang aso.  Sumuko sa sobrang pagod at hingal ang aso saka nilamon na ng dagat. Hindi na natagpuan ang aso, pero ang buong pamilya ni Jennylou at ligtas


Hindi nabigyan ng pangalan ang aso, pero habambuhay nilang pasasalamatan at maalala ang kabayanihan ng kanilang alaga. Minahal nila ang alaga nila kaya ganito ang turing sa kanila. Ang ituring sila bahagi ng pamilya, bakit nga naman kasi inisip ng aso na isugal ang buhay nya sa kanyang amo kesa sa iligtas ang kanyang sarili?

Medyo nakakalungkot at nakakaluha ang kwentong ito na nabalitaan ko. Alam naman natiung lahat na basta hayop, sa ganitong pagkakataon, sarili nila ang inuuna, tatakbo yan at bahala na sa kanya kanyang buhay para makasurvive, pero ang lalim ng tingin natin sa kanila, sa araw araw na ipinapakitang mahal natin sila, dyan nila naippapadama ang pagmamahal nila sa atin, gumaganti sila, itinuturing tyong kaibigan o kapamilya. Mahalin natin ang ating mga alagang hayop, at bilang ganti nila mamahalin ka rin nila tulad ng ginawa ng mga aspin na ito, ibubuwis nila lahat pati buhay nila alang-alang sayo.

5 Comments:

  1. iba ka talaga moks, kahit nasa malayo ka updated ka pa rin dto sa atin.. nabalitaan ko din sa news yan, namimiss mo si sasa anoh?

    ReplyDelete
  2. hays nakakalungkot may aso din kami kaya ramdam ko ang pakiramdam na ganon. narinig ko rin yan dito sa cdo.

    ReplyDelete
  3. eeh nakakaiyak naman to naalala ko tuloy si putol yung aspin namin alaga more than 10 years din siya sa amin kaso kailangan namin siya isuko. =(

    ReplyDelete
  4. Ang mga aso tapat talaga sa amo kahit minsan di mo sila napapakain. sa mga panahong di mo inaasahan sila ang yong maasahan. hehe

    ReplyDelete