Wednesday, January 18, 2012

Ako Baduy


Baduy noong 80's, Jologs naman noong 90's, ngayon Jeje? Lahat naman tayo may kabaduyan sa katawan, sa ugali, sa kilos, sa hilig, sa gustong gawin, sa natural na kaanyuan, sa mga pagkakataon, sa mga pangyayari.

Walang taong hindi baduy, kanya-kanya ngpanlasa yan. Ang baduy sayo, pwedeng maganda sa paningin ng iba. Pag nakikisabay ka daw sa uso, baduy na. Kung nakikita mo ang damit ng idolo mong artista, o mga usong porma sa tv, at sinusuot mo, baduy ka na. May ilang damit kasi na artista lang ang binabagayan.

Ako baduy! Inaamin mo nabiktima ako ng kabaduyan.
1. Ang makiuso sa kempee na buhok. Yung hati sa gitna. Undercut pa!
2. Ang mahilig sa boyband noong 90s. Mula Backstretboys hanggang Nsync. BoysIIMen hanggang Code Red. Cassette tape pa yan, kinokolekta.
3. Ang magsuot ng super low-waste na pantalon. Hindi yung nabibili sa mall, kundi pasadya sa satre. Acid wash pa!
4. Ang makapagsuot ng jersey sa ibabaw ng puting t-shirt na ubod ng luwang. Hiphop na hiphop. Sarap kong umbagin sarili ko.
5. Nakapagsuot ka ba ng violet na t-shirt? ako oo. Halaya kung halaya.
6. Ang magpunta sa DM 95.5 Station kasama ang jolog kong barkada, para lang makapag-greet at request on-air. MAy picture taking pa. Nakanang!
7. Ang mag-malling kasama ang barkada. Dahil Bulacan ang grupo at minsan lang noon makapasok ng SM City North EDSA, nagdala ng camera, picture taking sa lahat ng makitang booth. MUla Bench hanggang Penshoppe, French Baker hanggang Department store. Promding promdi.
8. Nasubukang manood ng sine mag-isa. Isang beses pa lang naman, ang Calvento Files the Movie sa IS Cinema pa sa Meycauayan. Baduy ka na noon kapag sa Meycauayn ka nanood.
9. Uso noon ang Sketchers at Tretorn na sapatos. Nakiuso, bumili ng tretorn, wala kasing pera pambili ng sketchers.
10. 1995 barangay fiesta sa amin. Gabi-gabi kasama ang barkada, laman kami ng perya, ferris wheel, horror train, color game, beto-beto. Isama mo pa ang bingo at 25 sentimos na ihahagis mo na dapat tumapat sa prize, nanalo ng pitsel na plastic.
11. Nagkaroon na ko ng damit galing Avon, Natasha at MSE.
12. Nabili na rin ng sapatos na hindi original, class. Iba sa Divisoria nabili.
13. Mangolekta ng DVD, pirata, pero dvd copy.

Madami pa. At dahil dyan, naging baduy din ako noon, minsan din siguro sa ngayon. Lahat tayo baduy! Ako Baduy!

10 Comments:

  1. Pag ba nag-suot ng violet, baduy na? Hahaha. Sinong may rule niyan? Meron kasi akong nursing shirt na violet at pambahay ko lang naman. I think ngayon na uso ang colorful na damit, bihira na ang baduy sa kulay. Unless siguro sobrang itim mo tapos naka-kulay Gold ka? Shiny pa! GAWD!

    ReplyDelete
  2. Ultimate yung #4. Marami akong nakitang ganyan noon. At noon pa man, masakit na sa mata. Haha.

    ReplyDelete
  3. Hello :) matagal ko na rin binabasa sa GR ko ang blog mo pero nahihiya akong mag-comment. hehe, pero ngayon lalakasan ko na ang loob ko, lalabas ako ng google reader at sasabihin ang laman ng isip ko, kasi tawa ako ng tawa sa Baduy noong 80's, Jologs naman noong 90's, ngayon Jeje? Hahaha!

    Kung baduy ang violet at paghanga sa Backstreet boys, hala ako Baduy.

    ReplyDelete
  4. ahahah, it depends sa taste ng tao, ako lagi nababanatan ng baduy. hahaha, simple lang kasi ako manamits. :p

    ReplyDelete
  5. kadalasan baduy ako lalo na sa mga Songs, hehe! pag feeling kong mag-senti old songs pinapakinggan ko, baduy pag gnun dba..

    ReplyDelete
  6. kahit papano nasauso din naman ang mga baduy, mas cool kasama kesa sa conyo. wahehe. baduy din ako, mas maganda yung nagpakatotoo.

    ReplyDelete
  7. hahaha... may shirt akong kulay ube. at nanonood akong mag-isa sa sine. pakialam ko kung ako lang. haha

    ReplyDelete
  8. bakit baduy ang nakaviolet? sino ba nagpauso nun? parang kay Hadji Alejandro ko yun narinig eh.. #barneyMode

    hahaha.. ang alam ko ang kulay ng damit ko noon ay multi color.. :p

    ReplyDelete
  9. oo ako na baduy wala akong paki sa kanila hehehe masaya kayang maging mabaduy kung yun ang totoong ikaw bakit hindi =D

    ReplyDelete
  10. Baduy? ung nag ccreep walk kahit hindi naman hip hop! hahaha. dami ko nakita nun sa JR-SR Prom nun Highschool, mga nka Coat and Tie sabay ganun sumayaw. hahahaha at isa na ako dun sa CR pa nag ppractice.

    ReplyDelete