THE TOP TEN "SANA _____, PERO _____."
December 09, 2011 Episode – by CocoHernandez
FIRST BATCH
10. Kitrich – sana masaya ka sa piling nya, pero ako naman ang hindi Masaya kasi wala ka sa piling ko.
09. Cherrythegreat / Giliw – sana sina Chichi at Gigi na lang ang talagang magkatuluyan, pero mababawasan na naman ang good genes.
08. CaptainGreen – sana latundan, pero senorita.
07. CandyCane – sana ngayong Pasko maalala mo naman ako, pero kung hindi man, what else is new?
06. Yontipian – sana tayo na lang ulit, pero may boyfriend ka na.
05. EjayRamirez – sana mountain-dyo, pero walan-dyo.
04. Yontipian – sana nawawalan din ng pasok pag malakas ang ulan, pero sabi nga ng kataas-taasan “come hell, come high-water, magsipasok kayo.”
03. OGerald – sana gumanda ka na, pero hindi talaga eh.
02. Jepoy – sana makauwi ngayon sa Pilipinas ngayong Pasko, pero wala talagang pambili ng plane ticket.
01. Jrhyan – sana pwede hindi na kita tingnan, pero wala e, kahit na nakapikit ako ikaw ang nakikita ko.
SECOND BATCH
10. Marcobio – sana matigas pa, pero malambot na.
09. CarenRage – sana pwedeng sundin ang nasa isip, pero hindi ko mapipilit kung ayaw ng puso ko.
08. BoyDavid – sana tayo, pero naging kayo.
MalditangDivine – sana may tayo, pero dahil wala hahayaan ko muna ngayon na maging kayo.
07. Ogerald – sana dalawa ang puso ko, pero wag na lang kasi abnormal yun.
06. Jrhyan – sana ang love story natin “happily ever after”, pero mukhang hanggang “once upon a time “ lang.
05. Endymool – sana madali ang makalimot, pero hindi mas madaling sariwain ang masasayang nakaraan.
04. LazyAnneRamos – sana lagi ka na lang lasing para lagi ka na lang always sweet and needy, pero yaki yata maglinis ng suka araw-araw.
03. Ogerald – sana mapansin mo din ako, pero sino ba naman ako para pansinin ng tulad mo.
02. RahRahOhlala – sana gumaling ka na sa sakit mo, pero okay lang para pwede pa kita alagaan.
RahRahOhlala – sana wala ng pangit sa mundo, pero wala e pinanganak ka e.
01. Yontipian – sana may amnesia na lang ako para makalimutan ko na ang lahat, pero hindi mo naman ako tinuruan paano mag move-on bago mo ako iniwan.
THIRD BATCH
10. ArtCipriano – sana lagi kang masaya, pero sana sa piling ko hindi sa iba.
09. Yontipian – sana magustuhan ka rin ng friends and family ko, pero ahh wala walang pero-pero, gusto man nila o hindi ikaw ang gusto ko.
08. ChenYeng – sana magka-baby na tayo para 1 big happy family na, pero pareho tayong lalaki.
07. ODH – sana maipasok mo kahit malaki, pero kung hindi talaga kaya patong mo na lang dyan sa labas.
06. Ogerald – sana hindi ka na lang nag-smile, pero nag-smile ka kaya ayun natunaw ako.
05. XtrianoRhoynaldo – sana magaling ako manumit, pero magaling akong maghubad.
04. CherrytheGreat – sana dinilaan mo muna, pero sinubo mo agad, para malaman mo kung maanghang o hindi yung ulam.
03. ThePabileGuy – sana hindi ako naniwala sa mga pangako mo, pero nagpakatanga ako dahil mahal kita.
02. OMGIt’sEdison – sana naging girl na lang si Chico, para hindi awkward pag sweet sila ni Gino, pero hindi e.
01. Jrhyan – sana tapatin mo na lang ako sa masakit na katotohanan, pero naniniwala at nagbubulagbulagan ako sa malambing mong kasinungalingan.
FINAL BATCH
14. TheDwayneWayne – sa sobrang pasosyal at arte mo edi sana hatid-sundo ka ngayon, pero nagbu-bus ka ngayon magdusa kang malandi ka.
13. SangJinHo – sana magkatuluyan na sina Chichi at Gigi, pero imposible yun dahil may baby whale at _____ na sila.
12. Ogerald – sana may asim ka pa, pero sana hindi sa kilikili.
11. Maantage – sana totohanin na lang natin yung mga tuksuhan, pero may mga masasaktan kapag tayo ang nagkatuluyan.
10. ThePabileGuy – sana hindi ka lokohin ng mga lalaki mo, pero wala ginawa nila sayo yung ginawa mo sa amin.
09. Castroid – sana kumilos ka na at magtrabaho, pero sino pa ang tatanggap sayo e trenta ka na.
08. IT2XS – sana siya na nga yung babae para sa akin, pero kung babalik yung ex nya sana hindi na nya tanggapin ulit.
07. IT2XS – sana wag nyo na kaming tuksuhan kasi naiilang na siya, pero sa totoo lang kinikilig ako.
06. HannaSanayuri – sana masabi ko na may gusto ako sayo, pero natatakot ako na mas lalo mo akong lalayuan katulad ng ginawa ng iba sa akin.
05. Jrhyan – sana matupad ang pangarap kong maging single habambuhay, pero welcome na welcome kang sirain ang pangarap kong ito.
04. CocoHernandez – sana mas madalas, pero okay na din yung paminsan-minsan kesa naman wala.
03.Earl040 – sana forever, pero ang nangyari whenever.
02. Bluegray – sana crush lang kita, pero mahal na kita.
01. Jrhyan – Lord, sana pumayat na ako bago mag-summer 2012, pero kung hindi man mangyayari yun patabain mo na lang yung mga kaibigan ko.











